Add parallel Print Page Options

Maglalagay ako ng mga pangbingwit sa iyong mga panga,
    at aking padidikitin ang isda ng iyong mga ilog sa iyong mga kaliskis;
at iaahon kita mula sa gitna ng iyong mga ilog,
    na kasama ng lahat ng isda ng iyong mga ilog
    na dumidikit sa iyong mga kaliskis.
At ikaw ay aking itatapon sa ilang,
    ikaw at ang lahat ng isda sa iyong mga ilog;
ikaw ay mabubuwal sa parang;
    at hindi titipunin, at ililibing.
Ibinigay kita bilang pagkain sa mga hayop sa lupa,
    at sa mga ibon sa himpapawid.

“At(A) malalaman ng lahat ng naninirahan sa Ehipto na ako ang Panginoon. Sapagkat sila'y naging tukod na tambo sa sambahayan ni Israel;

Read full chapter