Add parallel Print Page Options

“Anak ng tao, managhoy ka para sa Tyre, ang lungsod na daungan ng mga barko[a] na sentro ng kalakalan ng mga taong nakatira malapit sa dagat. Sabihin mong ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi: ‘Ipinagmamalaki mo Tyre, ang iyong kagandahan at sinasabi mong wala kang kapintasan. Pinalawak mo ang nasasakupan mo sa karagatan. Talagang pinaganda ka ng mga nagtayo sa iyo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 27:3 daungan ng mga barko: o, tabing-dagat.