Add parallel Print Page Options

15 “Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos sa Tiro: Hindi ba mayayanig ang mga pulo sa tunog ng iyong pagbagsak, kapag ang nasugatan ay dumaraing, kapag ang patayan ay ginawa sa gitna mo?

16 Kung(A) magkagayo'y bababa ang lahat ng mga pinuno sa dagat mula sa kanilang mga trono, at aalisin ang kanilang mga balabal, at huhubarin ang kanilang mga damit na may burda. Sila'y mababalot ng panginginig; sila'y magsisiupo sa lupa, at manginginig bawat sandali, at matatakot sa iyo.

17 At mananaghoy sila para sa iyo, at sasabihin sa iyo,

‘Paano ka napahamak, O ikaw na tinatahanan mula sa karagatan,
    O tanyag na lunsod,
na makapangyarihan sa dagat,
    ikaw at ang iyong mga mamamayan,
na naglalapat ng pagkatakot sa iyo
    sa lahat ng kanyang mga mamamayan!

Read full chapter