Font Size
Ezekiel 24:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ezekiel 24:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 “Ezekiel,(A) anak ng tao, isulat mo ang araw na ito, sapagkat ngayon ay pasisimulan ng hari ng Babilonia ang pagkubkob sa Jerusalem. 3 Ilahad mo ang isang talinghaga tungkol sa mapaghimagsik na bayan ng Israel. Sabihin mong ito ang ipinapasabi ni Yahweh:
Magsalang ka ng palayok at punuin ng tubig.
4 Ilagay rito ang mga piling bahagi,
ang hita at pitso,
at punuin din ng maiinam na butong lagain.