Add parallel Print Page Options

12 Managhoy ka, anak ng tao.
    Ang tabak na ito'y gagamitin sa aking bayan
    at sa kanyang mga pinuno.
Sila ay papataying kasama ng buong bayan.
Kaya, tumangis ka.
13 Susubukin ko ang aking bayan,
    at kapag di sila nagsisi,
    ang lahat ng ito'y mangyayari sa kanila.

14 “Magpahayag ka sa kanila. Pumalakpak ka at paulit-ulit na iwasiwas ang tabak. Ang tabak na ito'y pumapatay, naghahasik ng sindak, at pumupuksa.

Read full chapter