Add parallel Print Page Options

14 Sumagot ang Dios kay Moises, “Ako nga ang Dios na ganoon pa rin.[a] Ito ang isagot mo sa kanila: ‘Ang Dios na ganoon pa rin ang nagpadala sa akin.’ ”

15 Sinabi pa ng Dios kay Moises, “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ang Panginoon,[b] ang Dios ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob, ang nagpadala sa akin sa inyo.’ Kikilalanin ako sa pangalang Panginoon magpakailanman.”

16 At sinabi pa ng Panginoon kay Moises, “Lumakad ka at tipunin ang mga tagapamahala ng Israel at sabihin mo sa kanila, ‘Ang Panginoon, ang Dios ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob ay nagpakita sa akin, at nagsabi na: Binabantayan ko kayo, at nakita ko ang ginagawa ng mga Egipcio sa inyo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:14 Ako … ganoon pa rin: o, Ako ay si ako nga. (Sa Ingles, “I am who I am” o, “I will be what I will be”.)
  2. 3:15 Panginoon: Ang Hebreo nito ay maaaring nanggaling sa salitang “ehyeh” (“I am”) na makikita sa talatang 14.