Add parallel Print Page Options

23 Nang makarating sila sa Mara, nakakita sila ng tubig, pero hindi nila ito mainom dahil mapait. (Ito ang dahilan kung bakit Mara ang pangalan ng lugar.)[a] 24 Dahil dito, nagreklamo ang mga Israelita kay Moises, “Ano ang iinumin natin?”

25 Kaya humingi ng tulong si Moises sa Panginoon, at ipinakita ng Panginoon sa kanya ang isang putol ng kahoy. Inihagis ito ni Moises sa tubig at nawala ang pait ng tubig.

Doon ibinigay ng Panginoon ang tuntunin at kautusang ito para subukin ang katapatan nila sa kanya:

Read full chapter

Footnotes

  1. 15:23 Mara: Ang ibig sabihin, mapait.