Font Size
Exodo 29:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 29:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 “Isama mo si Aaron at ang kanyang mga anak na lalaki sa pintuan ng Toldang Tipanan at maligo sila roon. 5 Isuot mo sa kanya ang mahabang panloob na kasuotan, ang damit bago ang efod, ang efod at ang pektoral, saka itali ang pamigkis ng efod. 6 Isuot mo kay Aaron ang turbante at ikabit rito ang koronang kinasusulatan ng katagang “Inilaan kay Yahweh”.
Read full chapter