Font Size
Exodo 17:6-8
Magandang Balita Biblia
Exodo 17:6-8
Magandang Balita Biblia
6 Hihintayin ko kayo sa ibabaw ng malaking bato sa Sinai.[a] Hampasin mo ito at bubukal ang tubig na maiinom ng mga tao.” Iyon nga ang ginawa ni Moises; at ito'y nasaksihan ng mga kasama niyang pinuno ng Israel.
7 Ang lugar na iyon ay pinangalanan niyang “Masah”[b] at “Meriba”[c] sapagkat nagtalu-talo doon ang mga Israelita at sinubok nila si Yahweh. Ang pinagtalunan nila ay kung pinapatnubayan nga sila ni Yahweh o hindi.
Ang Labanan ng mga Israelita at ng mga Amalekita
8 Nang ang mga Israelita'y nasa Refidim, sinalakay sila ng mga Amalekita.
Read full chapterFootnotes
- Exodo 17:6 Sinai: o kaya'y Horeb .
- Exodo 17:7 MASAH: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang “Masah” ay “pagsubok”.
- Exodo 17:7 MERIBA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang “Meriba” ay “pakikipagtalo”.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.