Add parallel Print Page Options

11 “Tuparin mo ang mga iniutos ko sa iyo sa araw na ito. Tingnan mo, aking pinalalayas sa harap mo ang mga Amoreo, mga Cananeo, mga Heteo, mga Perezeo, mga Heveo, at ang mga Jebuseo.

12 Mag-ingat ka na huwag makipagtipan sa mga nakatira sa lupain na iyong patutunguhan, baka ito'y maging isang bitag sa gitna mo.

13 Inyong(A) wawasakin ang kanilang mga dambana, at sisirain ninyo ang kanilang mga haligi at inyong ibubuwal ang kanilang mga sagradong poste.[a]

14 Sapagkat hindi ka sasamba sa ibang diyos, sapagkat ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin ay Diyos na mapanibughuin.

15 Huwag kang makipagtipan sa mga nakatira sa lupain, sapagkat kapag sila ay nagpapakasama sa kanilang mga diyos at naghahandog sa kanilang mga diyos, mayroon sa kanilang mag-aanyaya sa inyo, at ikaw ay kakain ng kanilang handog.

16 At iyong papag-asawahin ang iyong mga anak na lalaki sa kanilang mga anak na babae, at ang kanilang mga anak na babae na nagpapakasama sa kanilang mga diyos ay pasusunurin ang inyong mga anak na magpakasama sa kanilang mga diyos.

Read full chapter

Footnotes

  1. Exodo 34:13 Sa Hebreo ay mga Ashera .

Ang Bayang Pinili ng Panginoon(A)

“Kapag(B) dinala ka ng Panginoon mong Diyos sa lupain na iyong pinaroroonan upang angkinin ito, at pinalayas ang maraming bansa sa harapan mo, ang Heteo, Gergeseo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Heveo, at ang Jebuseo, na pitong bansang higit na malalaki at makapangyarihan kaysa iyo;

at kapag sila'y ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos, at matalo mo sila; ganap mo silang lilipulin, huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni huwag mo silang pagpakitaan ng awa.

Huwag kang mag-aasawa sa kanila, ang iyong anak na babae ay huwag mong ibibigay sa kanyang anak na lalaki, ni ang kanyang anak na babae ay kukunin mo para sa iyong mga anak na lalaki.

Sapagkat kanilang ilalayo ang iyong anak na lalaki sa pagsunod sa akin, upang maglingkod sa ibang mga diyos, sa gayo'y mag-aalab ang galit ng Panginoon laban sa iyo, at mabilis ka niyang pupuksain.

Kundi(C) ganito ang inyong gagawin sa kanila: gigibain ninyo ang kanilang mga dambana, inyong pagpuputul-putulin ang kanilang mga haligi, inyong ibubuwal ang kanilang mga sagradong poste,[a] at inyong susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang inanyuan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Deuteronomio 7:5 Sa Hebreo ay Ashera .