Add parallel Print Page Options

Anim(A) na araw kang gagawa at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain;

10 ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa Panginoon mong Diyos. Sa araw na ito ay huwag kang gagawa ng anumang gawain, ikaw o ang iyong anak na lalaki, ang iyong anak na babae, ang iyong aliping lalaki, ang iyong aliping babae, ang iyong mga baka, ang dayuhang nasa loob ng iyong mga pintuan;

11 sapagkat(B) sa loob ng anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; kaya't binasbasan ng Panginoon ang araw ng Sabbath, at ginawa itong banal.

Read full chapter

15 Anim(A) na araw na gagawin ang gawain, subalit ang ikapitong araw ay Sabbath ng taimtim na pagpapahinga, banal sa Panginoon; sinumang gumawa ng anumang gawa sa araw ng Sabbath ay walang pagsalang papatayin.

Read full chapter

21 “Anim(A) na araw na gagawa ka, ngunit sa ikapitong araw ay magpapahinga ka; sa panahon ng pagbubungkal at sa pag-aani ay magpapahinga ka.

Read full chapter

Anim(A) na araw na gagawin ang gawain, subalit ang ikapitong araw ay banal na Sabbath na taimtim na pagpapahinga sa Panginoon; sinumang gumawa ng anumang gawa sa araw na iyon ay papatayin.

Read full chapter

Anim(A) na araw na gagawin ang mga gawain, subalit ang ikapitong araw ay Sabbath na ganap na kapahingahan, isang banal na pagpupulong. Huwag kayong gagawa ng anumang gawain; ito ay Sabbath sa Panginoon sa lahat ng inyong mga paninirahan.

Read full chapter

13 Anim(A) na araw na gagawa ka, at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain,

14 ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa Panginoon mong Diyos. Sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anumang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalaki o anak na babae, ni ang iyong aliping lalaki o aliping babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong asno, ni anuman sa iyong hayop, ni ang mga dayuhang nasa loob ng iyong mga pintuan, upang ang iyong aliping lalaki at aliping babae ay makapagpahingang gaya mo.

Read full chapter