Add parallel Print Page Options

14 “Ang(A) araw na ito'y magiging sa inyo'y isang alaala, at inyong ipagdiriwang bilang pista sa Panginoon; sa buong panahon ng inyong mga salinlahi ay inyong ipagdiriwang bilang isang tuntunin magpakailanman.

Ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa

15 Pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang pampaalsa. Sa unang araw ay inyong aalisin sa inyong mga bahay ang pampaalsa, sapagkat sinumang kumain ng tinapay na may pampaalsa, mula sa unang araw hanggang sa ikapitong araw ay ititiwalag sa Israel.

16 Sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon at sa ikapitong araw ay magkakaroon din kayo ng isang banal na pagtitipon. Walang anumang gawa na gagawin sa mga araw na iyon; ang nararapat lamang kainin ng bawat tao ang maaaring ihanda ninyo.

17 Inyong ipapangilin ang pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, sapagkat sa araw na ito ay kinuha ko ang inyong mga hukbo mula sa lupain ng Ehipto. Inyong ipapangilin ang araw na ito sa buong panahon ng inyong mga salinlahi bilang isang tuntunin magpakailanman.

18 Sa paglubog ng araw sa ikalabing-apat na araw ng unang buwan, kakain kayo ng tinapay na walang pampaalsa, hanggang sa ikadalawampu't isang araw ng buwan, sa paglubog ng araw.

19 Pitong araw na walang matatagpuang pampaalsa sa inyong mga bahay; sinumang kumain ng may pampaalsa ay ititiwalag sa kapulungan ng Israel, siya man ay banyaga o ipinanganak sa lupain.

20 Huwag kayong kakain ng anumang bagay na may pampaalsa; sa lahat ng inyong mga tirahan ay kakain kayo ng tinapay na walang pampaalsa.”

Read full chapter

Ang(A) ikalabinlimang araw ng buwang ito ay Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa sa Panginoon. Kakain kayo ng tinapay na walang pampaalsa sa loob ng pitong araw.

Sa unang araw ay magkakaroon kayo ng banal na pagpupulong; huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain.

Kayo ay maghahandog sa Panginoon sa loob ng pitong araw ng handog na pinaraan sa apoy; at ang ikapitong araw ay magiging banal na pagpupulong. Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain.”

Read full chapter

17 Sa(A) ikalabinlimang araw ng buwang ito ay magkakaroon ng isang pista; pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang pampaalsa.

18 Sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon; huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain,

19 kundi maghahandog kayo sa Panginoon ng isang handog na pinaraan sa apoy, na handog na sinusunog: dalawang batang toro, isang lalaking tupa, pitong korderong lalaki na isang taong gulang, na walang kapintasan;

20 gayundin ang kanilang handog na butil na piling handog na harina na hinaluan ng langis, tatlong ikasampung bahagi ang inyong ihahandog para sa isang toro, at dalawang ikasampung bahagi para sa lalaking tupa;

21 at isang ikasampung bahagi ang iyong ihahandog para sa bawat isa sa pitong kordero;

22 at isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan upang ipantubos sa inyo.

23 Inyong ihahandog ang mga ito bukod pa sa handog na sinusunog sa umaga, bilang palagiang handog na sinusunog.

24 Sa ganitong paraan ninyo ihahandog araw-araw, sa loob ng pitong araw ang pagkain na handog na pinaraan sa apoy na mabangong samyo sa Panginoon. Ihahandog ito bukod pa sa palagiang handog na sinusunog at sa inuming handog.

Mga Handog sa Pista ng mga Sanlinggo(B)

25 Sa ikapitong araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon. Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain.

Read full chapter