Add parallel Print Page Options

14 Kaya, ang mga tagahatid-sulat ay nagmamadaling umalis, sakay ng mabibilis na kabayo ng hari at sinunod agad ang utos ng hari. Ang utos ay ipinakalat din sa Lunsod ng Susa.

15 Nang lumabas ng palasyo si Mordecai, ipinagbunyi siya ng buong Lunsod ng Susa. Suot niya ang maharlikang kasuotan: puti't asul ang kanyang damit, pinong lino na kulay ube ang balabal, at koronang ginto. 16 Nagbigay ito ng malaking karangalan at kagalakan sa mga Judio.

Read full chapter