Add parallel Print Page Options

Dahil dito, umisip siya ng paraan upang malipol ang lahat ng Judio sa buong kaharian.

Sa ikalabindalawang taon ng paghahari ni Xerxes, iniutos ni Haman na gawin ang palabunutan upang malaman kung anong araw nararapat isagawa ang balak niya. Tumapat ito sa ikalabing apat[a] na araw ng ikalabindalawang buwan.

Pagkatapos nito, sinabi ni Haman kay Haring Xerxes, “Sa lahat ng panig ng inyong kaharian ay may isang lahi ng mga tao na may sariling batas na iba sa alinmang lahi. Hindi po sila sumusunod sa inyong utos at makakasama po sa inyo kung hahayaan ninyo silang ganito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7 ikalabing apat: Sa ibang manuskrito'y ikalabintatlo .