Add parallel Print Page Options

“Bakit di kayo magpahanap ng mga magagandang dalagang may ginintuang kalooban, Kamahalan?” tanong sa kanya ng kanyang mga lingkod. “Pumili kayo ng mga tauhan sa bawat lalawigan para humanap ng magagandang dalaga sa kanilang lugar at dalhin sa inyong harem sa Lunsod ng Susa. Ipagkatiwala ninyo sila kay Hegai, ang eunukong namamahala sa harem ng hari, at bigyan ninyo sila ng mga pampagandang kailangan nila. Ang sinumang maibigan ng hari ang siyang ipapalit kay Vasti.” Nagustuhan ng hari ang panukalang ito, at ganoon nga ang kanyang ginawa.

Read full chapter