Add parallel Print Page Options

11 Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos upang kayo ay makatayo laban sa mga lalang ng diyablo. 12 Ito ay sapagkat nakikipagtunggali tayo, hindi laban sa laman at dugo, subalit laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapamahalaan, laban sa mga makapangyayari sa kadiliman sa kapanahunang ito at laban sa espirituwal na kasamaan sa mga dako ng kalangitan. 13 Dahil dito, kunin ninyo ang buong baluti ng Diyos upang kayo ay makatayo laban sa masamang araw at pagkagawa ninyo ng lahat ng mga bagay ay manatili kayong nakatayo.

Read full chapter