Add parallel Print Page Options

Ang Mamuhay Ayon sa Liwanag

Kaya bilang mga minamahal na anak, tularan ninyo ang Diyos. (A) Mamuhay kayo sa pag-ibig, kung paanong inibig tayo ni Cristo at ibinigay ang kanyang sarili para sa atin bilang isang mabangong handog at alay sa Diyos. Tulad ng nararapat sa mga banal, hindi dapat mabanggit man lamang tungkol sa inyo ang pakikiapid at anumang uri ng karumihan, o kasakiman.

Read full chapter