Add parallel Print Page Options

10 At siya na bumaba rito sa lupa ang siya ring umakyat sa kataas-taasang langit para maging lubos ang kapangyarihan niya sa lahat ng bagay.) 11 Ang ibaʼy ginawa niyang apostol, ang ibaʼy propeta, ang ibaʼy mangangaral ng Magandang Balita, at ang iba naman ay pastor at guro. 12 Ginawa niya ito para ihanda sa paglilingkod ang mga pinabanal,[a] at para lumago at maging matatag sila bilang katawan ni Cristo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:12 pinabanal: sa Griego, hagios. Tingnan ang “footnote” sa 1:1.