Add parallel Print Page Options

Nagtipon(A) din ako para sa akin ng pilak at ginto, at ng kayamanan ng mga hari at ng mga lalawigan. Kumuha ako ng mga mang-aawit na lalaki at babae, at maraming asawa na kasiyahan ng laman.

Kaya't(B) naging dakila ako, at nahigitan ko ang lahat ng nauna sa akin sa Jerusalem; ang aking karunungan ay nanatili naman sa akin.

10 At anumang ninasa ng aking mga mata ay hindi ko ipinagkait. Hindi ko pinigil ang aking puso sa anumang kasiyahan, sapagkat nagagalak ang aking puso dahil sa lahat kong gawain; at ito ang aking gantimpala para sa lahat ng aking pagpapagod.

Read full chapter