Add parallel Print Page Options

12 Huwag mong susuhulan ang Panginoon sapagkat di siya tumatanggap ng suhol,
    huwag kang aasa sa handog na galing sa masamang paraan.

Tungkol sa Katarungan ng Diyos

Ang Panginoon ay Diyos ng katarungan,
    wala siyang itinatanging sinuman.
13 Hindi siya kumikiling kaninuman laban sa mahirap,
    sa halip, agad niyang dinirinig ang naaapi.
14 Lagi niyang dinirinig ang daing ng ulila,
    at ang pagsusumamo ng biyudang nagsasaysay ng nangyari sa kanya.
15 Ang luhang dumadaloy sa pisngi ng balo
    ay sumisigaw laban sa taong naging dahilan ng kanyang pagluha.

Read full chapter