Add parallel Print Page Options

Si Noe

17 Si(A) Noe ay natagpuang matuwid at tapat,
    kaya't naligtas siya sa galit ng Panginoon.
At dahil sa kanya'y may natirang tao sa lupa,[a]
    nang gunawin ang daigdig sa pamamagitan ng baha.
18 Nakipagtipan sa kanya ang Panginoon,
    na hindi na niya lilipulin uli ang tao sa pamamagitan ng baha.

Read full chapter

Footnotes

  1. 17 At dahil…lupa: o kaya'y At binigyan niya ng bagong pag-asa ang sangkatauhan .

Dahil(A) sa kasalanan ng tao noong unang panahon, ginunaw ng Diyos ang daigdig sa pamamagitan ng baha. Wala siyang iniligtas maliban kay Noe na nangaral tungkol sa matuwid na pamumuhay, at ang pito niyang kasama.

Read full chapter