Add parallel Print Page Options

Ang Dalamhati ng Buhay ng Tao sa Lupa

40 Maraming tiisin ang nakalaan sa sinumang tao,
    at mabigat na pamatok ang nakaatang sa bawat anak ni Adan,
mula sa kanyang paglabas sa sinapupunan ng kanyang ina,
    hanggang sa siya'y magbalik sa kandungan ng lupa, na siyang ina ng lahat ng may buhay.

Read full chapter

14-16 Kung minsa'y masarap, kung minsa'y masaklap ang padala ng Panginoon:
    ang kabiguan at tagumpay, ang kayamanan at karukhaan,
ang buhay at kamatayan ay sa kanya nagmumula.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 14-16 Kung minsa'y masarap…nagmumula: Sa ibang manuskrito'y may dagdag na Sa kanya rin nagmumula ang karunungan at pang-unawa, ang pagkaunawa ng Kautusan, ang pag-ibig at matuwid na pamumuhay. Kaagapay ng makasalanan ang kamalian at kamangmangan; ang kabuktutan ay kasama sa pagtanda ng may maitim na budhi .