Add parallel Print Page Options

Kahit doon sa Bundok ng Sinai,[a] ginalit ninyo ang Panginoon, kaya gusto na lang niya kayong patayin. Nang umakyat ako sa bundok para kunin ang malalapad na bato, kung saan nakasulat ang kasunduan ng Panginoon na kanyang ginawa sa inyo, nanatili ako roon sa loob ng 40 araw at 40 gabi na walang kinakain at iniinom. 10 Ibinigay ng Panginoon sa akin ang dalawang malalapad na bato, na siya mismo ang sumulat ng mga utos na sinabi niya sa inyo na mula sa apoy doon sa Bundok ng Sinai habang nagtitipon kayo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:8 Bundok ng Sinai: sa Hebreo, Horeb.