Add parallel Print Page Options

Ang Israel ay Naging Mapaghimagsik at si Moises ay Namagitan

22 “At(A) sa Tabera, sa Massah, sa Kibrot-hataava ay inyong ginalit ang Panginoon.

23 Nang(B) suguin kayo ng Panginoon mula sa Kadesh-barnea, na sinasabi, ‘Umakyat kayo at angkinin ninyo ang lupain na ibinigay ko sa inyo;’ pagkatapos ay naghimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon ninyong Diyos, at hindi ninyo siya pinaniniwalaan, ni pinakinggan ang kanyang tinig.

24 Kayo'y naging mapaghimagsik laban sa Panginoon, mula nang araw na kayo'y aking makilala.

Read full chapter