Add parallel Print Page Options

18 At ako'y nagpatirapa sa harapan ng Panginoon, gaya nang una, sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. Hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig; dahil sa lahat ng inyong kasalanan na inyong ginawa sa paggawa ng masama sa paningin ng Panginoon na inyong ginalit.

19 Sapagkat(A) natatakot ako dahil sa galit at maalab na poot na ikinayamot ng Panginoon sa inyo, na lilipulin sana kayo. Ngunit pinakinggan din ako noon ng Panginoon.

20 Ang Panginoon ay galit na galit kay Aaron na siya sana'y papatayin; at akin din namang idinalangin si Aaron nang panahong iyon.

Read full chapter