Add parallel Print Page Options

21 Sabihin ninyo sa kanila, ‘Mga alipin kami noon ng hari[a] ng Egipto, pero inilabas kami roon ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. 22 Nakita namin ang mga dakilang himala at mga kamangha-manghang bagay na ginawa niya sa pagpaparusa sa mga mamamayan ng Egipto, kasama ng Faraon at ng buong sambahayan niya. 23 At inilabas niya kami sa Egipto para dalhin sa lupain na kanyang ipinangako sa ating mga ninuno.

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:21 hari: sa literal, Faraon.