Add parallel Print Page Options

26 Walang katulad ang Dios ng Israel.[a]
Sa kanyang kadakilaan, sumasakay siya sa ulap para matulungan kayo. Sa kanyang kadakilaan dumarating siya mula sa kalangitan.
27 Ang walang hanggang Dios ang inyong kanlungan;
palalakasin niya kayo sa pamamagitan ng walang hanggan niyang kapangyarihan.
Palalayasin niya ang inyong mga kaaway sa inyong harapan,
at iuutos niya sa inyo ang pagpapabagsak sa kanila.
28 Kaya mamumuhay ang Israel na malayo sa kapahamakan, sa lupaing sagana sa trigo at bagong katas ng ubas,
at kung saan ang hamog na mula sa langit ay nagbibigay ng tubig sa lupa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 33:26 Israel: sa Hebreo, Jeshurun, ang ibig sabihin, matuwid.