Add parallel Print Page Options

Binasbasan ni Moises ang mga Lahi ng Israel

33 Ito ang basbas na sinabi ni Moises na lingkod ng Dios sa mga Israelita bago siya namatay. Sinabi niya,

“Dumating ang Panginoon galing sa Sinai;
nagpakita siya galing sa Bundok ng Seir katulad ng pagsikat ng araw.
Sumikat siya sa mga tao galing sa Bundok ng Paran.
Dumating siya kasama ang libu-libong mga anghel,
at ang kanyang kanang kamay ay may dala-dalang naglalagablab na apoy.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 33:2 Dumating … apoy: o, Dumating siya galing sa Meriba sa Kadesh, mula sa timog, sa mga libis.