Add parallel Print Page Options

22 Ang mga lahing darating, ang inyong mga anak na babangon pagkamatay ninyo, at ang dayuhan na magmumula sa malayong lupain ay magsasabi, kapag nakita nila ang mga salot ng lupaing iyon, at ang sakit na inilagay ng Panginoon,

23 at(A) ang buong lupaing iyon ay sunóg na asupre, at asin, na hindi nahahasikan, hindi nagbubunga, ni walang tumutubong damo, na gaya ng nangyari sa pagkawasak ng Sodoma at Gomorra, Adma at Zeboyin, na winasak ng Panginoon sa kanyang matinding galit.

24 Kaya't lahat ng mga bansa ay magsasabi, ‘Bakit ginawa ito ng Panginoon sa lupaing ito? Ano ang dahilan ng pagpapakita ng ganitong matinding galit?’

Read full chapter