Add parallel Print Page Options

47 Dahil hindi kayo naglingkod nang may kaligayahan at kagalakan sa Panginoon na inyong Dios sa panahon ng inyong kasaganaan, 48 ibibigay niya kayo sa mga kaaway na ipinadala niya sa inyo at maglilingkod kayo sa kanila. Gugutumin kayo, uuhawin, kukulangin ng damit at mawawalan ng lahat ng bagay. Pahihirapan niya kayo na parang kinabitan ng pamatok na bakal sa leeg hanggang sa mamatay kayo.

49 “Ipapasalakay kayo ng Panginoon sa isang bansa na mula sa malayong lugar, sa dulo ng mundo, na hindi ninyo maintindihan ang salita. Sasalakayin nila kayo katulad ng pagsila ng agila sa mga kaaway.

Read full chapter