Add parallel Print Page Options

15 “‘Sumpain(A) ang sinumang gumawa ng anumang imahen upang sambahin kahit palihim, ito ay kasuklam-suklam kay Yahweh.’

“Ang buong bayan ay sasagot ng: ‘Amen.’

16 “‘Sumpain(B) ang sinumang hindi gumagalang sa kanyang ama at ina.’

“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

17 “‘Sumpain(C) ang sinumang gumalaw sa palatandaan ng hangganan ng lupang pag-aari ng kanyang kapwa.’

“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

Read full chapter