Add parallel Print Page Options

12 Sapagkat sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon, at dahil sa mga karumaldumal na gawaing ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Diyos sa harapan mo.

13 Dapat(A) kang manatiling walang kapintasan sa Panginoon mong Diyos.

14 Sapagkat ang mga bansang ito na iyong aagawan ay nakikinig sa mga manggagaway at mga manghuhula; ngunit tungkol sa iyo, hindi ka pinahintulutan ng Panginoon mong Diyos na gawin mo ang gayon.

Read full chapter