Add parallel Print Page Options

Pag-ingatan mong huwag mag-isip ng masama, na iyong iisipin, ‘Ang ikapitong taon, na taon ng pagpapatawad ay malapit na;’ at tiningnan mo ng masama ang iyong dukhang kapatid at wala kang ibinigay sa kanya. Siya ay maaaring dumaing sa Panginoon laban sa iyo, at ito'y magiging kasalanan mo.

10 Siya nga'y bibigyan mo, at ang iyong puso'y huwag magdamdam kapag binibigyan mo siya; sapagkat dahil sa bagay na ito'y pagpapalain ka ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng iyong gawa, at sa lahat ng hipuin ng iyong kamay.

11 Yamang(A) hindi mawawalan ng dukha sa lupain kailanman, kaya't aking iniutos sa iyo, ‘Buksan mo ang iyong kamay sa iyong kapatid na nangangailangan, at sa dukha na nasa iyong lupain.’

Read full chapter