Add parallel Print Page Options

18 Hindi kayo dapat manghinayang sa ibibigay ninyo sa kanya kung aalis siya sapagkat ang ibibigay ninyo'y katumbas lamang ng upa sa isang manggagawang nagtrabaho nang tatlong taon. Gawin ninyo ito at pagpapalain ng Diyos ninyong si Yahweh ang lahat ng inyong gagawin.

Ang Pagbubukod sa mga Panganay

19 “Lahat(A) ng panganay na lalaki ng inyong mga alagang hayop ay ibubukod ninyo para kay Yahweh; huwag ninyo itong pagtatrabahuhin ni gugupitan. 20 Ito ay kakainin ninyo sa harapan ni Yahweh, sa lugar na pipiliin niya.

Read full chapter