Add parallel Print Page Options

18 Hindi dapat maging mabigat sa iyo kapag pinalaya mo na siya mula sa iyo, sapagkat sa kalahati ng halaga ng isang upahang alipin ay naglingkod siya sa iyo ng anim na taon, at pagpapalain ka ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng iyong ginagawa.

19 “Lahat(A) ng panganay na lalaki na ipinanganak sa iyong bakahan at sa iyong kawan ay iyong itatalaga sa Panginoon mong Diyos. Huwag mong pagtatrabahuhin ang panganay ng iyong baka, ni gugupitan ang panganay ng iyong kawan.

20 Kakainin mo ito, ikaw at ng iyong sambahayan sa harapan ng Panginoon mong Diyos taun-taon sa lugar na pipiliin ng Panginoon.

Read full chapter