Add parallel Print Page Options

24 Bawat(A) dakong matuntungan ng talampakan ng inyong paa ay magiging inyo; ang inyong magiging sakop ay mula sa ilang hanggang sa Lebanon, mula sa ilog, sa Ilog Eufrates, hanggang sa dagat kanluran.

25 Walang taong magtatagumpay laban sa inyo; sisidlan ng Panginoon ninyong Diyos ng pagkatakot at pagkasindak sa inyo ang lahat ng lupain na inyong tutuntungan, gaya ng kanyang ipinangako sa inyo.

26 “Inilalagay ko sa harapan ninyo sa araw na ito ang pagpapala at ang sumpa;

Read full chapter