Add parallel Print Page Options

38 Si Josue na anak ni Nun, na iyong lingkod,[a] ay siyang papasok doon. Palakasin mo ang kanyang loob, sapagkat siya ang mangunguna upang ito ay manahin ng Israel.

39 Bukod dito, ang inyong mga bata na inyong sinasabing magiging biktima, at ang inyong mga anak na sa araw na ito ay hindi nakakaalam ng mabuti o ng masama, ay siyang papasok doon, at sa kanila'y aking ibibigay, at ito'y kanilang aangkinin.

40 Ngunit tungkol sa inyo, bumalik kayo at maglakbay sa ilang sa daang patungo sa Dagat na Pula.’

Read full chapter

Footnotes

  1. Deuteronomio 1:38 Sa Hebreo ay na nakatayo sa harapan mo .