Add parallel Print Page Options

16 Huwag(A) kayong gagawa ng anumang larawan upang sambahin, maging kawangis ng tao, 17 hayop(B) sa ibabaw ng lupa, ibon, 18 ng anumang gumagapang o ng anumang isda.

Read full chapter

15 Dala(A) ng kanilang kahibangan at masamang isipan,
sumamba sila sa mga ahas at hayop na walang isip.
Dahil dito, pinadalhan mo sila ng makapal na hayop na walang isip,

Read full chapter

24 Nahiwalay sila nang malayo sa katotohanan,
at sumamba sa mga kasuklam-suklam na hayop.
Nalinlang sila na para bang mga batang walang isip.

Read full chapter

Kahangalan ang Sumamba sa Diyus-diyosan

10 Ang(A) umaasa sa mga bagay na walang buhay ang pinakahangal sa lahat ng hangal.
Silang sumasamba sa mga bagay na likha ng tao:
larawan ng mga hayop na yari sa ginto, pilak, o hamak na batong nililok noong unang panahon.
11 May isang mahusay na manlililok.
Pumutol siya ng isang punongkahoy, inalisan ng balat
at ginawang isang kasangkapan na maaaring pakinabangan ng tao.
12 Pinulot niya ang mga pinagtabasan at ginamit na panggatong
sa pagluluto ng pagkain na makakabusog sa kanya.
13 May isang piraso na walang mapaggamitan
sapagkat balu-baluktot at sanga-sanga.
Sa oras na wala siyang ginagawa,
maingat niya itong hinuhugisan
at ginagawang isang larawan ng tao,
14 o hugis ng isang hamak na hayop.
Pinipinturahan niya ito ng pula,
at tinatakpan ang mga bahaging may mantsa.
15 Iginawa niya ito ng isang angkop na lalagyan,
isinabit sa dingding at ipinako nang matibay.
16 Pinag-ingatan niyang huwag mahulog iyon
pagkat alam niyang iyon ay larawan lamang,
at hindi nito mapapangalagaan ang sarili.
17 Ngunit hindi siya nahihiyang manalangin sa larawang iyon
tungkol sa kanyang asawa, anak at kabuhayan.
18 Mahina iyon, ngunit doon siya humihingi ng lakas ng katawan.

Patay iyon, ngunit doon siya humihingi ng buhay.
Wala iyong karanasan, ngunit doon siya humihingi ng tulong.
Iyo'y walang paa, ngunit doon siya humihingi ng mabuting paglalakbay.
19 Ang mga kamay niyon ay di man lamang maigalaw,
ngunit doon siya humihingi ng tulong para sa kanyang negosyo, hanapbuhay, at anumang gawain.

Read full chapter