Add parallel Print Page Options

16 “‘Sumpain(A) ang sinumang hindi gumagalang sa kanyang ama at ina.’

“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

Read full chapter

Tungkulin sa Magulang

Mga anak, ako'y inyong ama, kaya makinig kayo.
    Gawin ninyo ito, at di kayo mapapahamak.
Sapagkat ang mga ama ay binigyan ng Panginoon ng kapangyarihan sa mga anak,
    at iniuutos niya na sundin ng mga anak ang kanilang ina.
Ang gumagalang sa kanyang ama'y nagbabayad na sa kanyang kasalanan,
    at ang nagpaparangal sa kanyang ina'y parang nag-iimpok ng kayamanan.
Ang gumagalang sa kanyang ama'y paliligayahin naman ng kanyang mga anak,
    at ang panalangin niya'y agad diringgin ng Panginoon.
Pahahabain ng Diyos ang buhay ng nagpaparangal sa kanyang mga magulang—
    siya na sumusunod sa Panginoon.
Ang may paggalang sa Panginoong Diyos ay gumagalang sa kanyang mga magulang,
    at pinaglilingkuran niya ang kanyang magulang na parang panginoon niya.
Igalang(A) mo ang iyong ama sa salita at sa gawa,
    upang sumaiyo ang kanyang pagpapala.
Pinatatatag ng pagpapala ng isang ama ang pamumuhay ng mga anak,
    ngunit ito ay sinisira ng sumpa ng isang ina.
10 Huwag mong ipagkakalat ang kahihiyan ng iyong ama,
    sapagkat ang kanyang kahihiyan ay hindi mo ikararangal.
11 Ikararangal ng sinuman ang gumalang sa kanyang ama,
    at kahihiyan ng mga anak ang di gumalang sa kanilang ina.

12 Anak, kalingain mo ang iyong ama kapag siya'y matanda na,
    at huwag mo siyang dudulutan ng sama ng loob habang nabubuhay.
13 Pagpaumanhinan mo siya kapag nanlalabo na ang kanyang isip;
    huwag mo siyang lalapastanganin ngayong nasa kasibulan ka na ng iyong lakas.
14 Ang paglingap mo sa iyong ama ay di malilimutan,
    iyan ay magiging kabayaran sa iyong mga kasalanan.
15 Ang ginawa mo sa iyong ama ay aalalahanin ng Panginoon,
    at ang mga kasalanan mo'y matutunaw na parang yelo pagdating ng tag-init.
16 Ang sinumang magpabaya sa kanyang ama ay para nang lumapastangan sa Diyos,
    at ang gumagawa ng ikagagalit ng ina'y susumpain ng Panginoon.

Read full chapter

Sinabi(A) ng Diyos, ‘Igalang mo ang iyong ama at ina’ at, ‘Ang sinumang lumait sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.’

Read full chapter

19 igalang(A) mo ang iyong ama at ina; at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

Read full chapter

10 Halimbawa,(A) iniutos ni Moises na ‘Igalang mo ang iyong ama at ina’, at ‘Ang sinumang lumait sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.’

Read full chapter

19 Alam(A) mo ang mga utos ng Diyos, ‘Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang sasaksi nang walang katotohanan; huwag kang mandaraya; igalang mo ang iyong ama at ina.’”

Read full chapter

20 Alam(A) mo ang mga utos, ‘Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag kang tatayong saksi para sa kasinungalingan; at igalang mo ang iyong ama at ina.’”

Read full chapter

“Igalang(A) mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangako:

Read full chapter

“Magiging maganda at mahaba ang iyong buhay sa lupa.”

Read full chapter