Add parallel Print Page Options

13 “Huwag(A) kang magkakaroon sa iyong supot ng dalawang uri ng pabigat, isang malaki at isang maliit.

14 Huwag kang magkakaroon sa iyong bahay ng dalawang uri ng takalan, isang malaki at isang maliit.

15 Magkaroon ka lamang ng isang tunay at tapat na pabigat; magkaroon ka lamang ng isang tunay at tapat na takalan upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.

16 Sapagkat ang lahat ng gumagawa ng gayong mga bagay, ang lahat ng gumagawa ng pandaraya ay kasuklamsuklam sa Panginoon mong Diyos.

Read full chapter

10 Iba't ibang panimbang, at iba't ibang sukatan,
    parehong sa Panginoon ay karumaldumal.

Read full chapter

10 “Kayo'y(A) magkakaroon ng mga tamang timbangan, tamang efa, at tamang bat.

Read full chapter