Add parallel Print Page Options

Ang Pakikitungo sa mga Alipin(A)

12 “Kung(B) ang iyong kapatid na Hebreong lalaki o babae ay ipagbili sa iyo, at maglingkod sa iyo ng anim na taon, sa ikapitong taon ay palalayain mo siya.

13 At kapag pinalaya mo siya, ay huwag mo siyang paalisin na walang dala;

14 bibigyan mo siya nang sagana mula sa bunga ng iyong kawan, sa iyong giikan at mula sa iyong pisaan ng alak. Kung paanong pinagpala ka ng Panginoon mong Diyos, ay gayon mo siya bibigyan.

15 At aalalahanin mo na ikaw ay naging alipin sa lupain ng Ehipto, at tinubos ka ng Panginoon mong Diyos, kaya't iniuutos ko sa iyo ngayon ang bagay na ito.

16 Kung sabihin niya sa iyo, ‘Hindi ako aalis sa iyo;’ sapagkat mahal ka niya at ang iyong sambahayan, sapagkat kinalulugdan mo siya,

17 ay kukuha ka ng isang pambutas at butasan mo ang kanyang tainga sa pintuan, at siya'y magiging iyong alipin magpakailanman. Gayundin ang iyong gagawin sa iyong aliping babae.

18 Hindi dapat maging mabigat sa iyo kapag pinalaya mo na siya mula sa iyo, sapagkat sa kalahati ng halaga ng isang upahang alipin ay naglingkod siya sa iyo ng anim na taon, at pagpapalain ka ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng iyong ginagawa.

Read full chapter