Add parallel Print Page Options

Ang Ikapitong Taon(A)

15 “Sa katapusan ng bawat pitong taon ay magpapatawad ka ng iyong mga pautang.

Ito ang paraan ng pagpapatawad: bawat nagpapautang ay magpapatawad ng kanyang ipinautang sa kanyang kapwa; huwag niyang sisingilin iyon sa kanyang kapwa at sa kanyang kapatid, sapagkat ang pagpapatawad ng Panginoon ay ipinahayag.

Sa isang dayuhan ay maaari kang maningil; ngunit anumang pag-aari mo na nasa iyong kapatid ay ipatatawad mo.

Ngunit hindi magkakaroon ng dukha sa inyo sapagkat pagpapalain ka ng Panginoon sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos na pinakamana upang iyong angkinin,

kung masikap mong papakinggan ang tinig ng Panginoon mong Diyos, at gagawin ang lahat ng utos na ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito.

Sapagkat pagpapalain ka ng Panginoon mong Diyos, na gaya ng ipinangako niya sa iyo. Ikaw ay magpapautang sa maraming bansa, ngunit hindi ka mangungutang; at ikaw ay maghahari sa maraming bansa, ngunit hindi ka nila paghaharian.

“Kung(B) mayroon sa inyong isang dukha, na isa sa iyong mga kapatid, na nasa loob ng iyong mga bayan sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos, ay huwag mong pagmamatigasin ang iyong puso, ni maging maramot sa iyong dukhang kapatid;

kundi iyo ngang bubuksan ang iyong kamay sa kanya, at papautangin mo siya ng sapat para sa kanyang pangangailangan maging anuman iyon.

Pag-ingatan mong huwag mag-isip ng masama, na iyong iisipin, ‘Ang ikapitong taon, na taon ng pagpapatawad ay malapit na;’ at tiningnan mo ng masama ang iyong dukhang kapatid at wala kang ibinigay sa kanya. Siya ay maaaring dumaing sa Panginoon laban sa iyo, at ito'y magiging kasalanan mo.

10 Siya nga'y bibigyan mo, at ang iyong puso'y huwag magdamdam kapag binibigyan mo siya; sapagkat dahil sa bagay na ito'y pagpapalain ka ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng iyong gawa, at sa lahat ng hipuin ng iyong kamay.

11 Yamang(C) hindi mawawalan ng dukha sa lupain kailanman, kaya't aking iniutos sa iyo, ‘Buksan mo ang iyong kamay sa iyong kapatid na nangangailangan, at sa dukha na nasa iyong lupain.’

Read full chapter