Add parallel Print Page Options

Malilinis at Maruruming mga Hayop(A)

“Huwag kang kakain ng anumang bagay na marurumi.

Ito ang mga hayop na maaari ninyong kainin: ang baka, ang tupa, at ang kambing,

ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang lalaking usa, at ang mailap na kambing, at ang kambing sa bundok, at ang kambing sa kapatagan, at ang tupang bundok.

At bawat hayop na may hati ang paa, biyak at ngumunguya, sa mga hayop, ay maaari ninyong kainin.

Gayunman, ang mga ito ay hindi dapat kakainin sa mga ngumunguya, o sa biyak ang paa: ang kamelyo, ang liebre, at ang kuneho, sapagkat sila'y ngumunguya, ngunit walang hati ang paa; ang mga ito ay marumi sa inyo.

At ang baboy, sapagkat may hati ang paa, ngunit hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo; ang laman nila'y huwag ninyong kakainin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin.

“Lahat ng mga ito na nasa tubig ay maaari ninyong kainin: anumang may mga kaliskis at mga palikpik, ay maaari ninyong kainin.

10 Anumang walang kaliskis at palikpik ay huwag ninyong kakainin; marumi ito para sa inyo.

11 “Maaari ninyong kainin ang lahat ng ibong malilinis.

12 Ngunit ang mga ito'y hindi ninyo dapat kainin: ang agila, ang buwitre, at ang buwitreng itim,

13 at ang malaking lawin, at ang falkon, ayon sa kanilang uri;

14 at lahat ng uwak ayon sa kanilang uri;

15 ang avestruz, panggabing lawin, ang lawing dagat, at ang lawin, ayon sa kanilang uri;

16 ang munting kuwago, ang malaking kuwago, ang puting kuwago;

17 ang pelikano, ang buwitre, at ang somormuho;

18 ang puting tagak, ang tagak na kulay-ube, ayon sa kanilang uri; ang paniki, at ang kabág.

19 Lahat ng may pakpak na gumagapang ay marumi sa inyo; huwag ninyong kakainin ang mga ito.

20 Maaari ninyong kainin ang lahat ng ibong malilinis.

21 “Huwag(B) kayong kakain ng anumang bagay na kusang namatay; maaari mong ibigay sa dayuhang nasa loob ng iyong mga bayan, upang kanyang kainin; o maaari mong ipagbili sa dayuhan; sapagkat ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Diyos.

“Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kanyang ina.”

Read full chapter