Add parallel Print Page Options

29 At(A) kapag ikaw ay ipapasok ng Panginoon mong Diyos sa lupain na iyong paroroonan upang angkinin, iyong ilalagay ang pagpapala sa bundok ng Gerizim, at ang sumpa sa bundok ng Ebal.

Read full chapter

Mga Sumpa sa Pagsuway

11 Inatasan ni Moises ang bayan ng araw na iyon, na sinasabi:

12 “Pagtawid(A) ninyo sa Jordan, ang mga ito'y tatayo sa ibabaw ng bundok ng Gerizim upang basbasan ang bayan: Simeon, Levi, Juda, Isacar, Jose, at Benjamin;

13 at ang mga ito'y tatayo sa ibabaw ng bundok ng Ebal upang sumumpa: Ruben, Gad, Aser, Zebulon, Dan, at Neftali.

14 Ang mga Levita ay sasagot at magsasalita sa malakas na tinig sa lahat ng mga lalaki sa Israel.

Read full chapter