Add parallel Print Page Options

13 “Kung(A) inyong susundin ang mga utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, na ibigin ang Panginoon ninyong Diyos at siya'y paglingkuran ng iyong buong puso at kaluluwa,

14 ay ibibigay ko ang ulan ng inyong lupain sa kanyang kapanahunan, ang una at huling ulan upang iyong matipon ang iyong trigo, alak, at langis.

15 Aking bibigyan ng damo ang inyong mga bukid para sa iyong mga hayop, at ikaw ay kakain at mabubusog.

16 Mag-ingat kayo, baka ang inyong puso ay madaya, at kayo'y maligaw, at maglingkod sa ibang mga diyos, at sumamba sa kanila.

17 Kapag gayon, ang galit ng Panginoon ay magniningas laban sa inyo, at kanyang sasarhan ang langit, upang hindi magkaroon ng ulan, at ang lupa'y hindi magbibigay ng kanyang bunga; at kayo'y mabilis na mapupuksa sa mabuting lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon.

Read full chapter