Add parallel Print Page Options

Patotoo ni Nebucadnezar

34 “Pagkatapos(A) ng takdang panahon, akong si Nebucadnezar ay tumingala sa langit at nanumbalik ang dati kong pag-iisip. Dahil dito, pinuri ko't pinasalamatan ang Kataas-taasang Diyos, ang nabubuhay magpakailanman.

Ang kapangyarihan niya'y walang hanggan,
    ang paghahari niya'y magpakailanman.
35 Lahat ng nananahan sa lupa ay walang halaga;
    ginagawa niya sa hukbo ng langit anumang naisin niya.
Walang maaaring mag-utos sa kanya
    ni makakatutol sa kanyang ginagawa.

36 “Nang manauli ang aking pag-iisip, nanumbalik din ang aking karangalan at kapangyarihan. Muli kong tinanggap ang aking mga tagapayo at mga tagapamahala at ako'y naging higit na dakila at makapangyarihan kaysa dati.

Read full chapter