Add parallel Print Page Options

34 “Pagkatapos ng pitong taon, ako, si Nebucadnezar ay lumapit sa Dios[a] at nanumbalik ang matino kong pag-iisip. Kaya pinuri ko at pinarangalan ang Kataas-taasang Dios na buhay magpakailanman. Sinabi ko,

‘Ang paghahari niya ay walang katapusan.
35 Balewala ang mga tao sa mundo kung ikukumpara sa kanya.
    Ginagawa niya ang nais niya sa mga anghel sa langit at sa mga tao sa lupa.
    Walang makakatutol o makakahadlang sa kanya.’

36 “Nang manumbalik na ang aking katinuan, ibinalik din sa akin ang karangalan at kapangyarihan bilang hari. Muli akong tinanggap ng aking mga opisyal at mga tagapayo, at akoʼy naging mas makapangyarihan kaysa dati.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:34 lumapit sa Dios: sa literal, tumingala sa langit.