Daniel 12:1
Magandang Balita Biblia
Pahayag tungkol sa Huling Panahon
12 “Sa(A) panahong iyon, darating ang dakilang anghel na si Miguel, ang makapangyarihang pinuno at tagapagtanggol ng bansang Israel, at magkakaroon ng matinding kahirapang hindi pa nangyayari kailanman. Ngunit maliligtas ang mga kababayan mong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng Diyos.
Read full chapter
Mateo 24:21
Magandang Balita Biblia
21 Sapagkat(A) sa mga araw na iyon, ang mga tao'y magdaranas ng matinding kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ang sanlibutan hanggang sa ngayon, at hindi na mararanasan pa kahit kailan.
Read full chapter
Marcos 13:19
Magandang Balita Biblia
19 sapagkat(A) sa mga araw na iyon ang mga tao'y magdaranas ng matinding kapighatian na hindi pa nararanasan mula nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, at hindi na muling mararanasan pa kahit kailan.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.