Add parallel Print Page Options

Habang(A) ako'y nakatingin, may mga tronong inilagay,
    at ang Matanda sa mga Araw ay umupo.
Ang kanyang kasuotan ay kasimputi ng niyebe,
    at ang buhok ng kanyang ulo ay gaya ng purong lana.
Ang kanyang trono ay naglalagablab sa apoy
    at ang mga gulong nito ay nagniningas na apoy.
10 May(B) dumaloy na isang ilog ng apoy
    at lumabas mula sa harapan niya,
libu-libo ang naglilingkod sa kanya,
at laksa-laksa ang nakatayo sa harapan niya.
Ang hukuman ay humanda para sa paghuhukom,
at ang mga aklat ay nabuksan.

Read full chapter