Add parallel Print Page Options

16 At kapag nabasa na ang sulat na ito sa inyo, ay ipabasa rin ninyo sa iglesya ng mga taga-Laodicea; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea.

17 At(A) sabihin ninyo kay Arquipo, “Sikapin mong gampanan ang ministeryo na tinanggap mo sa Panginoon.”

18 Akong si Pablo ay sumusulat ng pagbating ito ng sarili kong kamay. Alalahanin ninyo ang aking mga tanikala. Sumainyo nawa ang biyaya.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Colosas 4:18 Sa ibang mga kasulatan ay mayroong Amen .